Wala na Akong Utang
Pasensya talaga sa wikang gagamitin ko, sapagkat ni minsan hindi na ako nakapagsulat sa wika ng bayan. Subukan ko lang na umakda ng kung anong pinagiisip ko ngayon—na hindi palaban sa karaniwang chenes-chenes churvaloo na lagi kong ginagamit sa pagsalita sa tagalong. :D Noon pa man ay hindi ko namalayan na ang dami ko na palang nagawa sa buhay; kahit pipitchugi lang akong tao sa mundo, ginagawa ko talaga ang lahat na nakakaya ko para tumulong sa kahit sinong taong pumupunta sakin. Ngunit nang ako'y magmuni-muni sa mga pinagdaanan ko, napatanto ako sa isang realidad na lagi kong ipinagwalang bahala: na nakalimutan ko nang ingatan ang sarili ko. At sa ngayon, na ako na ay nagkamali at lumampas na sa punto na wala na talaga akong magagawa, saka lang ako napagtanto na hindi talaga babalik ang oras na lumipas—lalo na pag ako'y nagkakamali. Kung tutuusin, mayroon naman talagang paraan na lutasin ang problema kahit tayo ay nagkakamali na; kaso lang talaga pag walang kusa, hindi natin makikita kung paano gawan ng solusyon ang ating mga pagsubok sa buhay. Doon ako nagkamali. Inisip ko na hindi ko na kailangan sumikap pa dahil ang laki ng pagtingin ko sa sarili ko, ni hindi ko inisip na limitado talaga ang lahat ng tao ay karaniwanng hindi perpekto. At ngayon, andito na ako sa kasakuluyan; hindi mapakali dahil sa dami kong gagawin pag simulan na ang regular na klase. Hahakbangin ko naman ang di pamilyar na kapaligiran. Sana akoy inyong ipagdasal sa Panginoon.
0 Responses to Wala na Akong Utang
Post a Comment